Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Metro Manila

Inquirer Photo | Grig Montegrande

(UPDATE) Itinaas muli ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso PAGASA, yellow warning level ang umiiral sa Metro Manila at Rizal.

Ilang oras nang nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas at patuloy na pag-ulan ang Metor Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa Habagat.

Ang mga lalawigan naman ng Quezon, Batangas, Laguna, Tarlac, NuevaEcija, Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales ay apektado ng light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na patuloy na mag-antabay sa inilalabas nilang rainfall advisories.

 

 

 

 

 

Read more...