Paliwanag ni Lacson, sa ilalim ng comprehensive tax reform program ng Duterte administration, lalong dadami ang exemption samantalang manipis na nga ang tax base.
Ibig sabihin, mababawasan ang magbabayad ng income tax dahil na rin sa exemption na ipagkakaloob sa mga income tax payers na sumusweldo ng P250, 000 kada taon.
Watch: Sen Lacson iginiit na hindi kailangan ang dagdag na buwis sa ilalim ng comprehensive tax reform prog ng pamahalaan @dzIQ990 pic.twitter.com/L7UslLcsed
— ruel perez (@iamruelperez) July 27, 2017
Nauna nang sinabi ni Lacson na maaaring punan ng mga hindi nagamit na pondo ang pangangailangan ng Duterte administration sa kanilang “Build Build Build program” upang hindi na magpataw pa ng dagdag na buwis.
Samantala, napagkasunduan ng mga senador na isalang sa committee of the whole ang isinusulong na tax reform program upang mas maintindihan nila ang panukala.