BFAR-Bicol, nagpaalala hinggil sa posibilidad ng fish kill ngayong rainy season

Muling nagpaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa posibilidad ng fish kill ngayong rainy season.

Ayon kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR-Bicol, dapat bantayan ng mga cage operators ang kanilang mga alagang isda dahil posible aniyang magresulta sa pagkamatay ng mga ito kapag pumasok na ang malaking alon.

Sa ngayon ay may mahigit sa 1,000 na mga cage operators sa rehiyon at nanganganib ang mga pinagkukunang kabuhayan ng mga ito kung tatamaan ng fish kill.

Kaugnay nito, ayon kay Enolva, dapat na kunin na ng mga cage operators ang mga isda na pwede ng ma-harvest.

Samantala, para naman sa mga nakatira sa coastal areas sa buong rehiyong Bicol, nagpaalala si Enolva na makinig sa mga balita hinggil sa kalagayan ng panahon at iwasan na ang pagpalaot kung mayroong nakataas na gale warning.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...