Simula ng mag-umpisa ang bakbakan sa Marawi City, mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas ay hindi napupuntahan ng pamahalaang panlalawigan ng Lanao Del Sur ang mga residente sa Ditsaan-Ramain.
Nasa 2,700 na pamilya ang naabutan ng relief goods na naglalaman ng kalahating sako ng bigas, sardinas, corned beef at iba pang relief goods.
Hindi naging madali para sa crisis management committee ng Lanao Del Sur ang pagpasok sa nasabing bayan dahil sa panganib sa kanilang daraanan.
Samantala, ayon ka Marawi City Mayor Majul Gandamra, unti-unti nang nasasaid ang pondo ng City Government para tustusan ang pang araw-araw na kailangan ng mga bakwit.
Dahil dito, patuloy ang panawagan ni Gandamra sa National Government na tulungan sila sa mga evacuees.
Ngayong araw ay patuloy ang airstrike ng pwersa ng pamahalaan sa mga pinaniniwalaang kuta ng Maute terror group.
WATCH: Tuloy ang airstrike ngayong araw sa Marawi City | @chonayu1 pic.twitter.com/GryojS4I06
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 27, 2017