QC Vice Mayor Joy Belmonte, nagpaliwanag sa hindi pagsuspinde ng klase

Wala nang pasok sa halos buong Metro Manila ngayong araw dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng Habagat.

Sa buong Metro Manila tanging ang Quezon City, Pasig City, Makati City lamang ang hindi nag-anunsyo ng class suspension.

Paliwanag ni QC Vice Mayor Joy Belmonte, magdamag nilang inassess ang sitwasyon at ngayong umaga, tanging light to moderate na kung minsan ay malakas na ulan lamang ang umiiral sa Metro Manila ayon sa PAGASA.

Hindi aniya tuloy-tuloy ang pag-ulan at wala rin namang itinaas na warning signals ang PAGASA.

Dagdag pa ni Belmonte, inaasahan na nilang uulanin sila ng batikos bunsod ng kanilang naging pasya at nauunawaan aniya nila ito.

Sa Makati naman, sinabi ni Mayor Abigail Binay na tuloy ang klase ng mga mag-aaral ngayong araw pero diskresyon pa rin ng mga magulang kung papapasukin o hindi ang mga anak.

Sa Pasig City, pinayuhan ang mga residente na patuloy na mag-antabay sa kanilang twitter at Facebook account para sa posibleng anunsyo.

Marami ding bayan sa Rizal, Bulacan at Pampanga ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase.

Wala ring pasok sa buong lalawigan ng Cavite, Bataan at Zambales.

 

 

 

 

 

Read more...