Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85kph at pagbugsong aabot sa 105kph.
North Northwest ang direksyon ng bagyo sa bilis na 13 kph.
Ayon sa PAGASA apektado pa rin ng Habagat ang buong Luzon at ang Western Visayas at ang mga nararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flashfloods at landslides sa Metro Manila, mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Central Luzon, CALABARZON at sa lalawigan ng Mindoro at Palawan.
Sa pinakahuling abiso ng PAGASA apektado ng thunderstorm ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Bulacan at Bataan.
Samantala, magiging maulap naman ang papawirin at makararanas ng hanggang katamtamang pag-ulan sa Visayas at sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Bicol at lalawigan ng Marinduque at Romblon.