AFP tatanggap ng 2 patrol planes mula sa US ngayong araw

Dalawang long-range patrol planes na darating ngayong araw sa Pilipinas mula sa Estados Unidos ang gagamitin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapatrulya sa mga territorial waters ng bansa.

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, magdo-donate ang US ng dalawang Cessna-208B Caravan planes na may kakayanan sa intelligence gathering, surveillance at reconnaissance missions.

Gaganapin sa Villamor Air Base ang isasagawang turnover ceremony na dadaluhan nina US Ambassador Sung Kim at US Pacific Command deputy commander Lt. Gen. Bryan Fenton.

Sina Kim at Fenton mismo ang magpi-presenta ng dalawang patrol planes sa mga opisyal ng AFP at Department of National Defense (DND).

Read more...