Mga estudyanteng pinautang ng CHED sa ‘Study Now Pay Later’ program, sinisingil na ng COA

 

Inutusan ng Commission on Audit o COA ang Commission on Higher o CHED na kolektahin na ang halos 85 milyong pisong halaga ng mga loans mula sa mga mag-aaral na nasa ilalim ng “Study Now, Pay Later” program ng pamahalaan.

Sa 2016 audit report ng COA, nakasaad dito na P408,000 mula sa 85 milyong pisong utang lamang ang nabawi ng CHED.

Ayon sa COA, mahina ang mga loan repayment mechanism at hindi sapat ang record keeping ng CHED.

Inirekomenda ng COA na humingi ng tulong ang CHED sa iba pang mga ahensya ng gobyerno kagaya ng National Bureau of Investigation o NBI para malaman ang kinaroroonan ng mga nangutang na mag-aaral at kanilang mga guarantor.

Ayon naman sa CHED, isasaayos nila ang kanilang loan collections sa pamamagitan ng pagpapadala ng follow-up demand letters sa mga anghiram ng pampaaral at kanilang mga guarantor.

Magkakaroon din sila aniya ng legal remedies para sa mga ito.

Ayon pa sa COA, kailangang i-refund ng CHED ang mga exess payment sa mga unqualified na scholar.

Read more...