Inunsyo ito ni Trump sa kaniyang Twitter account, nang walang binabanggit na detalye sa kung anong mangyayari sa mga transgender na naninilbihan na sa US military.
Ayon kay Trump, hindi na tatanggapin ng pamahalaan ang mga transgender na magsilbi “in any capacity” sa US military base sa konsultasyon niya sa mga heneral at military experts.
Katwiran ni Trump, dapat na nakatuon ang pansin ng kanilang military sa “decisive and overwhelming victory,” at hindi sa malalaking medical costs at “disruption” na dala ng mga transgender sa military.
Sa ngayon ay mayroon nang nasa 250 na miyembro ng US military ang nasa proseso na sa pagpapalit sa kanilang napiling kasarian, o kaya ay napayagan nang pormal na magpalit ng kanilang gender sa personnel system ng Pentagon.
Matatandaang noong nakaraang taon nagsimula ang bukas na pagsisilbi ng mga transgender sa military matapos alisin ni dating Defense Sec. Ash Carter ang ban dito.