Bahagyang lumakas ang bagyong “Gorio” habang patuloy ang pagkilos nito sa direksyong hilaga, patungo sa Philippine Sea.
Sa pinakahuling severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong “Gorio” sa 600 kilometers East ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 80 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugso na aabot sa 95 kilometers per hour.
Inaasahang patuloy nitong tatahakin ang hilagang direksyon sa bilis na 13 kilometers per hour.
Makararanas ang mga lugar na nasa loob ng 450 kilometers diameter ng bagyo ng katamtaman hanggang malakas na ulan.
Samantala, ayon sa PAGASA, posibleng maging Severe Tropical Strom pa ang Gorio sa loob ng 24 hanggang 36 oras.
Inaasahan namang mas paiigtingin ng bagyo ang Habagat na magdadala ng malalakas na ulan sa western section ng Luzon, habang mahina hanggang katamtamang ulan naman sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.