Ang PCGG ang ahensya ng pamahalaan na itinalaga para bawiin ang mga ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Diokno,may mga rekomendasyon na sa pag-abolish sa PCGG at ilipat na ang mga nalalabing tungkulin nito sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).
Tinutukoy ni Diokno sa nasabing pahayag ang Rightsizing the National Government Act of 2017 na kasalukuyan pang nakabinbin sa Kongreso.
Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa ang naturang panukala sa mga priority bills ng kaniyang administrasyon.
Sa ilalim ng programang ito, bubuwagin na ang mga ahensya na may “overlapping or redundant operations and functions” na nagreresulta lang ng hindi mabisang pagbibigay serbisyo sa publiko.
Gayunman, nilinaw naman ni Diokno na isa pa lamang itong panukala at wala pang katiyakan sa magiging aksyon tungkol dito.
Nasa kamay aniya ng isang komite na pangungunahan ng Executive Secretary nakasalalay ang magiging desisyon tungkol dito sa pamamagitan ng isang executive order mula sa pangulo.