Gilas Pilipinas, talo sa South Korea sa ikalawang laban sa 2015 Jones Cup

 

Musong R. Castillo/Philippine Daily Inquirer

Bigo ang national team Gilas Pilipinas sa katatapos lamang na laban sa 2015 Jones Cup kontra South Korea.

Nagtapos ang laban sa score sa 82-70.

Ito ang unang pagkatalo ng Gilas makaraang maipanalo ang laban kontra sa Taiwan sa pagbubukas ng torneo.

Hindi na naka-iskor ang Gilas sa natitirang limang minuto sa fourth quarter ng kanilang laro na ginanap sa Xinchuang Gymnasium sa Chinese Taipei.

Mga batang manlalaro ang ipinambato ng South Korea sa pagkakataong ito.

Noong unang nakalaban ng Gilas ang Sokor noong 2013, tinambakan sila ng Pinoy team.

 

Read more...