Aguirre, naniniwalang dapat ulit ikulong ang mga pinalayang NDFP consultants

Sumasang-ayon si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa sinabi ni Solicitor General Jose Calida na dapat na muling arestuhin ang mga consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na pansamantalang pinalaya para sa peace talks.

Matatandaang kinansela na ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang peace talks sa pagitan ng gobyerno ang ng NDFP dahil sa wala pa ring humpay na mga pag-atake ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Aguirre, pansamantala lamang ang pagpapalaya sa 20 consultants kabilang na ang mag-asawang sina Benito at Wilma Tiamzon.

Ngayon aniyang tinuldukan na ng pangulo ang peace talks, dapat aniya na bumalik na rin sa kulungan ang mga nasabing consultants.

Ani Aguirre, hindi maaring igiit ng NDFP ang 1995 Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee (JASIG) na nagbibigay sa mga lider nla ng immunity from arrest.

Paliwanag ng kalihim, na-supercede na ito ng Korte Suprema noong nakaraang taon matapos silang payagang mag-pyansa.

Samantala, ipinaubaya naman na ni Aguirre kay Calida ang paghahain ng mga kaukulang mosyon sa Korte na magkakansela sa mga nasabing bail.

Read more...