Tropical Depression “Gorio,” napanatili ang lakas

Napanatili ng Tropical Depression “Gorio” ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong North-Northwest.

Sa pinakahuling update ng PAGASA, namataan ang sama ng panahon sa 435 kilometer Northeast ng Borongan City, Eastern Samar.

May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugso na 65 kilometers per hour.

Inaasahang magpapatuloy ito sa pagkilos patungo sa direksyong North Northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Tinatayang makakaranas naman ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na nasa 300 kilometer diameter ng Tropical Depression.

Sa kabila nito ay hindi pa naman inaasahang magla-landfall ang nasabing tropical depression.

Read more...