“Lockout policy,” ipinatupad na para sa mga mambabatas na laging late

(Photo by: Robert Vinas/ Malacanang Photo Bureau).

Sinimulang ipatupad ng House of Representatives ang “lockout policy” para sa mga mambabatas na nahuhuli sa mga plenary sessions.

Sa pagsisimula ng sesyon ng mababang kapulungan bandang alas-4 ng hapon, araw ng Martes, isinara ang mga pintuan ng plenary hall para sa gagawing “roll call.”

Batay sa memorandum na inisyu ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas noong May 22, mamarkahan ng absent ang mga mambabatas na kailangan sa sesyon ngunit hindi nakasama sa roll call.

Layon ni Fariñas na magturo ng disiplina sa mga mambabatas.

Binigyan naman ng palakpak ng mga miyembro ng Kongreso na nakarating sa 4pm roll call ang kanilang mga sarili.

Read more...