Iranian vessel, pinaputukan ng US Navy sa Persian Gulf

Pinaputukan ng warning shots ng US Navy patrol ship ang isang barko ng Iranian Revolutionary Guard Corps sa Persian Gulf, matapos itong lumapit ng 137 metro sa kanila.

Ayon sa isang defense official na nakiusap na huwag nang pangalanan, mabilis ang takbo ng IRGCN vessel at hindi rin ito sumasagot sa anumang signals o bridge-to-bridge calls.

Dahil dito, wala na silang ibang magawa kundi magpaputok na ng warning shots sa nasabing barko.

Naganap ang insidente sa northern Persian Gulf nang lumapit ang Iranian vessel sa USS Thunderbolt.

Matapos naman magpaputok ang US Navy, tumigil ang barko ng IRGCN, kaya nagpatuloy na rin sa paglalayag ang Thunderbolt.

Read more...