Kasabay nito, ikinatuwa naman ni Fr. Edwin Gariguez ng National Secretariat for Social Action ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagbabanta ng pangulo sa mga minahan sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address.
Ayon kay Gariguez, sa mga desisyon ni Cimatu nakikita ang pagpabor nito sa mga minahan.
Giit nito kailangan na ang papalit kay Cimatu ay may taglay na tapang na kakayanin ang mga hirit at alok ng mga mining companies.
Binanggit pa ni Gariguez na dapat mismong si Pangulong Duterte na ang mamuno sa DENR.
Matatandaang sa SONA ng pangulo, binantaan nito ang mga minahan na bubuwisan niya nang husto ang mga ito kung hindi sila magiging responsable lalo na sa pangangalaga sa kalikasan.
Dagdag pa ni Gariguez dapat kunin ng pangulo si dating DENR Sec. Gina Lopez bilang consultant sa naturang kagawaran.
Magugunita na hindi nakalusot sa Commission on Appointments si Lopez kaya’t bumaba ito sa puwesto, at si Cimatu ang naitalagang pumalit sa kaniya.