Suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang bata, nagpakamatay sa Camp Crame

Nang-agaw ng baril at saka nagpakamatay sa loob ng Anti-Kidnapping Group compound sa Camp Crame ang isang suspek sa pagdukot, panggagahasa at pagpatay sa isang 8-taong gulang na batang babae sa Jaen, Nueva Ecija.

Ayon kay Anti Kidnapping Group Chief SSupt. Glen Dumlao, nagpakamatay si Hilario “Larry” Herrera, 50-anyos, gamit ang inagaw nitong baril mula kay SPO1 Felix Parafina.

Batay sa inisyal na impormasyon, pabalik na ng AKG compound si Herrera galing sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) mag-aalas-9:00 ng gabi kanina nang maganap ang umano’y pang aagaw ng baril ng suspek.

Dinala pa ang suspek sa PNP General Hospital ngunit nasawi ito agad matapos magbaril sa ulo.

Ayon kay Dumlao, ginawa ni Herrera ang krimen noong July 19.

Read more...