Batay sa weather advisory no. 3 na inilabas ng pagasa dakong alas 11:00 ng umaga, huling namataan ang LPA sa 630 kilometers east ng Virac, Catanduanes.
Ang LPA ang nagdudulot ng maulap na panahon na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan at thunderstorms sa mga rehiyon ng Bicol at Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, malaki ang tsansa na maging bagyo o tropical depression ang naturang weather system sa susunod na 24 hanggang 48 hours.
Payo ng PAGASA, magmonitor ng susunod na weather update para malaman ang pinakahuling lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES