Miyembro ng Maute terror group humalo sa mga evacuees, arestado

Naaresto ang isang miyembro ng Maute terror group na humalo sa mga evacuees sa Lanao Del Sur.

Ang suspek na si Lala Arafat, 38-anyos ay dinakip sa evacuation center sa bayan ng Saguiaran ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Public Safety Batallion (RPSB), Lanao del Sur Police Provincial Office at ng Saguiaran Municipal Police.

Si Arafat na residente ng Barangay Osmeña, Marawi City ay positibong kinilala ng isa pang miyembro ng Maute terror group na nauna nang nadakip ng mga otoridad.

Nakuha mula kay Arafat ang labingdalawang ID na may iba’t ibang pangalan at isang cellphone.

Sasampahan ng kasong rebelyon ang nasabing suspek.

 

 

 

 

 

Read more...