Sinabayan ng protesta ang pagdinig ng mababang kapulungan ng kongreso sa maanomalyang paggamit ng tobacco excise tax sa Ilocos Norte.
Nagasagawa ng kilos protesta ang mga Ilocos Farmers sa south gate ng Batasan Pambansa para ipanawagan ang paglaya ng ‘Ilocos 6’ at magpahayag ng suporta sa pamilya Marcos na naiipit sa isyu.
Anila, lima sa mga detenido ay pawang may mga edad na, mga nanay na gustong makita at makasama ang kani-kanilang mga pamilya.
Una nang sinabi ng kamara na kung totoong ligal naman ang transaksyon sa pagbili ng P66.45 million halaga ng mga sasakyan, ay hindi dapat patuloy na iinvoke ang right against self-incrimination ng ‘Ilocos 6’.
Ang nasabing grupo ay mahigit isang buwan nang nakaditine sa kamara dahil sa contempt.