1 patay sa karambola ng 18 sasakyan sa C5  

Photo: Anjo Radasa

(UPDATE) Patay ang isang motorcycle rider matapos magkarambola ang hindi bababa sa 18 hanggang 19 na mga sasakyan sa northbound lane ng C5 Ortigas Flyover.

Ayon sa MMDA Metrobase, alas 10:22 ng umaga naganap ang aksidente sangkot ang mga sasakyan na kinabibilangan ng mga kotse, taxi, truck, closed van, AUV at motorsiklo.

Sa inisyal na impormasyon, may ilang nasugatan bunsod ng nasabing aksidente.

Dahil sa nasabing aksidente, nagpatupad ng total closure sa Ortigas Flyover northbound.

Agad ding rumesponde sa lugar ang ambulansya ng MMDA para mabigyan ng lunas ang mga nasugatan.

PDI Photo | Lyn Rillon

Samantala, humingi na ng tawad ang driver ng truck na naging sanhi ng karambola.

Ayon kay Juan Mirabuena Esteban, humihingi siya ng pasensya sabay giit na hindi niya sinasadya ang nangyari.

Agad naman sumuko sa pulis ang driver matapos ang insidente.

Nabatid na nawalan ng preno ang truck na minamaneho ni Esteban.

Read more...