Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, dumalo sa pagdinig sa maanomalyang paggamit ng tobacco funds

Inquirer.net Photo | Vince Nonato

Sumipot si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa pagdinig ngayong araw ng House of Representatives kaugnay sa umano ay maling paggamit sa tobacco funds ng pamunuan ng panlalawigan ng Ilocos Norte.

Si House Majority leader Rudy Fariñas ang nasulong ng pagsasagawa ng nasabing pagdinig kaugnay sa paggamit ng P66.45 million tobacco funds para ipambili ng mga sasakyan.

Ang nasabing halaga na mula sa Tobacco Excise Tax ay dapat umano sa mga tobacco farmers ilalaan.

Dumating din sa kamara para sumuporta sa gobernadora ang dalawa niyang anak na sina Borgy at Matthew Manotoc at si Ilocos Norte 2nd District Representative Imelda Marcos.

Habang dumalo din sa pagdinig si dating Senador Juan Ponce Enrile para tumulong kay Marcos.

Una nang nagbabala ang house committee on good government and public accountability na sasapitin ni Gov. Marcos ang nangyari sa tinaguriang “Ilocos 6” kung hindi sisipot sa pagdinig ngayong araw.

Naghanda pa ng lugar ang kamara kung saan maaring pansamantalang i-detain ang gobernadora kapag patuloy ang ginawang pag-isnab sa ipinadadalang summon.

 


 

 

 

Read more...