Ikalawang SONA ni Duterte, payapa ayon sa QCPD

Naging payapa sa pangkalahatan ang isinagawang mga kilos protesta ng mga militanteng grupo na sumabay sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa sa Quezon City kahapon.

Batay sa pagtaya ng Philippine National Police, naging maayos at wala rin silang naarestong sinuman na gumawa ng mga marahas na komprontasyon at aksyon laban sa mga police officers na itinalagang magbantay sa paligid ng Batasan Complex.

Ayon kay Quezon City Police District Director General Guillermo Eleazar, kuntento sya sa kinalabasan ng SONA.

Ito rin kasi aniya ang unang pagkakataong naglaan ng kaniyang panahon ang pangulo na kausapin ang mga demonstrador na lumalaban sa kaniyang mga polisiya.

Sa inisyal na pagtaya ng NCRPO, nasa 7,000 na anti-Duterte protesters na namalagi sa bahagi ng IBP sa Kalinisan Road habang nasa 3,000 naman ang mga pro-Duterte sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle, Brgy. Central, Quezon City; 500 pro-Duterte sa IBP at nasa 1, 400 naman sa may bahagi ng Civil Service sa Batasan Complex.

Nasa 6, 300 ang idineploy na mga pulis ng NCRPO, 300 sundalo sa loob ng Batasan na kabilang sa nasa 1,000 sundalong idineploy at standby forces para matiyak ang mapayapang SONA sa taong ito.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...