Kotse nabangga ng PNR sa Sampaloc Maynila

Contributed Photo

Isang kotse ang nabangga ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang driver ng Toyota Vios na may conduction sticker na VX 7189 na si Jaylive Carcosia.

Biyaheng Alabang ang tren nang mabangga nito ang kotse na nawasak ang pintuan sa likurang bahagi ng driver.

Naganap ang aksidente sa P. Margal Street sa Sampaloc.

Ayon sa ilang saksi, nakasagasa umano ng aso si Carcosia at sa halip na huminto ay pinaharurot pa umano nito ang sasakyan.

At dahil nagmamadali, hindi tumigil si Carcosia at pinilit tawirin ang riles kahit may paparating na tren.

 

 

 

Read more...