Lalo pang naging determinado ang mga sundalo na tapusin na ang giyera sa Marawi City.
Ito ay matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Nabanggit kasi ng pangulo sa SONA na kaniyang lalo pang paiigtingin ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
May binanggit din ang pangulo tungkol sa nagpapatuloy nma opensiba ng militar laban sa teroristang Maute.
Ayon kay Captain Joan Petinglay, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, lalong tumaas ang morale ng mga sundalo sa panibagong pangako ng pangulo.
Habang nanonood kahapon ang mga sundalo sa Marawi hindi nila maiwasan na matawa habang nagbibiro ang pangulo patungkol sa mga sundalo.
WATCH: Mga sundalo sa Marawi, pinanood ang SONA kahapon ni Pangulong Duterte | @chonayu1 pic.twitter.com/cZbQMDkQhX
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 24, 2017