Halos P9-M cash, naharang sa Zamboanga port

 

File photo

Hinarang ng mga tauhan ng Philippine Ports Authority at Philippine Coast Coast Guard ang isang lalake na bibiyahe sana patungong Malaysia sa Zamboanga City port.

Lunes ng hapon, pinigil ng mga otoridad si Isnajil Sajail, nang madiskubre ang malaking halaga ng pera sa kanyang dalang karton na idinaan sa x-ray machine.

Dahil dito, agad na iti-nurn over ng Coast Guard si Sajail sa mga tauhan ng Bureau of Customs upang isalang sa pagtatanong.

Sa ilalim ng batas, hanggang P50,000 lamang na halaga ng Philippine currency ang maaring ilabas ng bansa ng isang biyahero.

Paliwanag naman ni Sajail, gagamitin niya sa negosyong buy and sell ang pera.

Read more...