4 mangingisdang Vietnamese sugatan sa pamamaril ng Indonesian Navy sa South China Sea

 

Sugatan ang apat na Vietnamese fishermen matapos umanong barilin ng Indonesia navy habang nakasakay sa isang fishing boat sa South China Sea.

Sa website ng Binh Dinh provincial search and rescue committee, nakasaad na nasa 132 nautical miles o 245 kilometers southeast ng Con Dao island nang barilin ang mga mangingisda.

Sinabi naman ng Vietnamese authorities na naganap ang pamamaril malapit sa bahagi ng Indonesia na tinatawag na nilang North Natuna Sea.

Dalawa aniya sa mga biktima ang malubhang nasugatan dahil sa pamamaril, na dinala na sa Con Dao island para malapatan ng lunas.

Ayon naman kay Sahono Budianto, isang opisyal mula sa Ministry of Marine Affairs and Fisheries ng Indonesia, wala siyang idea ukol sa umano’y pamamaril.

Hindi rin agad nagbigay ng komento ng Indonesia navy nang hingiin ang kanilang panig ukol sa insidente.

Read more...