Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak magdeklara ng martial law sa buong bansa.
Sa pagharap niya sa media pagkatapos ng kaniyang ikalawang State of the Nation Address, kinwestyon ni Duterte kung bakit siya ikinukumpara kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ani Duterte, hindi man sila magkasing-talino ni Marcos, nakatitiyak naman aniya siyang mas naninindigan siya sa kaniyang mga “values in life.”
Aniya pa, hindi sila pareho ng mga values ni Marcos.
Dagdag pa ng pangulo, magmumukha lang siyang “stupid” kung magdedeklara siya ng martial law, at ayaw niya na mangyari ito.
Gayunman, una nang sinabi ng pangulo na maari niyang gawin ito kung aabot sa Luzon at Visayas ang mga panggugulo ng mga terorista.
MOST READ
LATEST STORIES