Sa kanyang State of the Nation Address, sinabi ng pangulo na kanya nang inatasan ang Department of Finance na tanggapin ang alok ng cigarette manufacturer na una nang kinasuhan ng pamemeke ng mga tax stamps sa kanilang mga produkto.
Ito aniya ang pinakamalaking tax settlement na papasukin ng goyerno sa kasaysayan.
Kapalit nito, nangako aniya ang Mighty Corp. na hindi na papasok sa tobacco business.
Ayon sa pangulo, hindi naman maapektuhan ang mga kasong kriminal na kinakaharap ng kumpanya.
Samantala, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, natanggap na ng pamahalaan ang 3.44 bilyong piso noong July 20 mula sa Mighty Corp. bilang paunang kabayaran sa kabuuang 25-bilyong tax settlement.