Ang tinutukoy ni Duterte ay ang Balangiga bells na kinuha ng mga sundalong Amerikano sa Eastern Samar noong taong September 28, 1901.
Ginamit kasi ang mga naturang kampana bilang hudyat ng pag-atake sa mga Amerikano noong digmaan.
Giit ni Duterte, sa Pilipinas ang mga nasabing kampana na bahagi ng national heritage ng bansa.
Nakalagak ang mga nasabing kampana sa F.E. Warren Air Force Base sa Cheyenne, Wycomiung, habang ang isa naman ay nasa South Korea.
Isinalaysay pa ni Duterte na noong nasabing digmaan, pinagpapatay aniya ng mga Amerikano ang lahat ng may edad sampung taon pataas at saka kinuha ng mga ito ang mga kampana.
Habang binabanggit ni Duterte ang mga detalyeng ito, kasama sa mga nasa session hall si US Ambassador to Philippines Sung Kim na nakikinig sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.
Wala namang naging reaksyon si Kim nang itapat sa kaniya ang camera habang nagsasalita ang pangulo tungkol sa Balangiga bells.