Sa panayam ng Inquirer, sinabi ng 78-anyos na si Sison na maganda ang kanyang kalusugan at wala siyang iniindang cancer.
Imahinasyon lamang aniya ng pangulo ang colon cancer na sinasabi nito.
Paliwanag pa ni Sison, bagamat totoong naospital siya noong March 20 sa Utrecht University Medical Center, wala itong kinalaman sa ibinibintang ng pangulo na colon cancer.
Sa halip, na-confine siya aniya dahil sa rheumatoid arthritis at kawalan ng ganang kumain dahil sa pagpapalit ng panahon sa The Netherlands.
Dagdag pa nito, dapat ay maging seryoso na lamang ang pangulo sa iba pang isyu tulad ng muling pagbabalik sa negotiating table ng panig ng gobyerno at National Democratic Front.