Kampo ni Sen. Grace Poe pumalag sa pahayag na puwede itong makasuhan dahil sa pagkatig sa INC

 

Inquirer file photo

Walang nilabag na batas si Senador Grace Poe matapos magpahayag ng ‘suporta’ sa Iglesia ni Cristo na una nang nagsagawa ng rally sa Padre Faura sa Manila at EDSA-Shaw intersection sa Mandaluyong.

Ito ay ayon kay Atty. Nelson Victorino Chief of Staff ni Poe na nagsabi pang hindi kailanman kinumbinsi ng senadora si Justice Secretary Leila de Lima na itigil na ang imbestigasyon sa complaint-affidavit na inihain ng napatalsik na ministro na si Isaias Samson Jr. laban sa matataas na opisyal ng INC dahil sa illegal detention.

Taliwas aniya ito sa pahayag ni Atty Trixie Angeles, abogado ni Samson na maaring makasuhan si Poe ng paglabag sa Anti-graft law dahil sa umano’y pagsuporta sa rally ng INC laban kay De Lima.

Katunayan, sinabi ni Victorina na iginiit ni Poe na tungkulin ni De Lima na imbestigahan ang mga inihahaing criminal complaint pero karapatan din ng INC na magpahayag ng kanilang saloobin.

“Sen. Poe did not persuade, induce or influence Secretary De Lima to commit any violation of the law. In her statements, she did not even suggest that Sec. De Lima stop the investigation of the complaint against INC personalities,” pahayag ni Victorina.

 

 

Read more...