Gastos sa punerarya ng 27 bangkay na nakuha sa giyera sa Marawi aakuin ng DSWD

Aakuin na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbabayad sa punerarya sa dalawampu’t pitong bangkay na nakuha sa kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Maute terrorist group at tropa ng militar sa Marawi City.

Ayon kay DILG Provincial Director Mac Lucman, nagkaroon na ng memorandum ang lokal na pamahalaan, DSWD at punerarya ukol sa gastusin.

Sa dalawampu’t siyam na bangkay, dalawampu’t pito lamang ang inilibing Lunes ng umaga sa Maqbara Public Cemtery sa Brgy. Papandayan Canyogan, Marawi City dahil sa mayroong dalawang kristyano ang umaangkin sa dalawang bangkay.

Ayon kay Lucman sa naturang walong ektaryang sementeryo na rin ililibing kung mayroon pang makuluhang bangkay oras na matapos ang giyera sa Marawi.

Read more...