Binabantayang LPA ng PAGASA posibleng maging bagyo

Posibleng maging isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Eastern Samar.

Sa update mula sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa 425 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 hanggang 48 na oras ay maaring mabuo bikang isang ganap na bagyo ang nasabing LPA.

Sa ngayon ay naghajatid na ito ng hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Eastern Visayas at Caraga.

Muling maglalabas ng abiso ang PAGASA hinggil sa lagay ng nasabing weather system.

Read more...