Nasa 300 myembro ng pinaghalong grupo ng Bagong Alyansang Makabayan, Anakbayan, Kabataan at Manggawa Kontra Kontrakwalisasyon ang sumariwa sa mga naging biktima at nagsakrisyo para makamit ang tunay na demokrasya sa bansa.
Ayon kay Bayan Metro Manila Chairperson Raymond Palatino, unang beses nilang ginawa ang aksyon kasabay ng ikalawang SONA ng pangulo dahil na rin sa extension ng Martial Law sa Mindanao.
Tila may banta raw kasi sa karapatan ang martial law sa Mindanao at maari itong magbigay-daan sa mas marami pang human rights abuses.
Giit naman ni Rev. Dionito Cabillas na myembro rin ng Karapatan sa metro manila, karahasan, pamamaslang at pagdukot ang maaring idulot ng batas militar dahilan kaya dapat itong tutulan.
WATCH: