Ito ay matapos maunsyami ang planong pagmartsa ng mga residente pabalik sa Marawi City.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Marawi City Mayor Majul Gandamra, “‘Yung napag-usapan po last Saturday, at kahapon din po, medyo nag-iba na po ang plano ng mga convenors kung saan may plano silang pumunta sa Marawi City…”
Ipinahayag ni Gandamra na sa kabila ng kasabikan ng mga bakwit na bumalik na sa kani-kanilang tirahan, nanaig pa rin ang konsiderasyon sa kaligtasan ng mga bakwit matapos ang pakikipagdayalogo ng mga ito sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at pamahalaang lokal.
Aniya, “Bibigyan ng sila ng seguridad ng ating kapulisan [sic] at ang military especially that marami po sigurong aattend na mga kababayan natin.”
Hindi naman magtatalumpati sa pagtitpon ang mayor. Ayon kay Gandamra, bago pa man ito ay kaliwa’t kanan na ang pakikipag-usap niya sa mga ito. Aniya, ang mahalaga ay mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mga bakwit.
Ang State of the Bakwit Address sa Iligan City ay dadaluhan ng iba’t ibang civic at religious groups at iba pang sektor.