Mula nang maupo sa kaniyang bagong trabaho noong Biyernes, nilinis ni Scaramucci ang kaniyang Twitter mula sa mga pahayag niya tungkol sa illegal immigration, climate change, Islam at gun control, na hindi tugma sa saloobin ng pangulo.
Nag-Tweet din naman si Scaramucci sa ngalan ng full transparency, kung saan ipinapaalam niya sa lahat na nag-delete siya ng mga lumang tweets.
Hindi aniya ito dapat maging distraction dahil ngayon, naninilbihan na siya sa ngalan ng agenda ni Trump at na iyon lang ang mahalaga.
Tapos na aniya ang “gotcha politics” kung saan hinuhuli sa mga dating paniniwala ang mga naninilbihan sa White House.
Makapal aniya ang kaniyang balat at sa ngayon, ang mahalaga ay ang pagsilbihan ang mga Amerikano base sa agenda ng President of the United States.
Matatandaang bilang pagprotesta sa pagkakatalaga kay Scaramucci, biglaang nag-resign si dating Press Secretary Sean Spicer sa White House.