Nanawagan si Lorenzana sa aniya’y mga “nalilihis ang landas,” na magbalik-loob na dahil handa naman silang tanggapin ng pamahalaan nang walang hinihinging kondisyon.
Gayunman, kung magpapatuloy pa rin aniya ang mga ito sa kanilang mga maling gawain, hindi mag-aatubili ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) na tugisin sila.
Iniaalok na aniya ng gobyerno ang pagpapasuko nang walang kondisyon upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na umunlad at makapag-bago.
Ngayon aniyang nag-uumapaw na suporta ang kanilang natatamasa mula sa mga mambabatas at publiko, mas paiigtingin pa nila ang pagsupil sa rebelyon sa Mindanao.