PNP handa sa mga rally ngayong araw ng SONA

 

Handa ang Philippine National Police na tugunan ang seguridad para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Sa isang panayam, tiniyak ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa publiko na kanilang lubos na pinaghandaan ang anumang protesta na maaring isabay ng iba’t ibang grupo sa SONA ng pangulo.

Paliwanag ni Dela Rosa, kahit marami ang lumahok sa mga rally, handa ang PNP na bantayan ang kaayusan ngayong araw partikular sa bahagi ng Commonwealth Avenue at Batasan Pambansa complex kung saan ihahayag ng pangulo ang sitwasyon ng bayan.

Dapat aniyang tiyakin rin ng mga militanteng grupo na walang gagawing masama ang kanilang mga miyembro upang manatiling maayos ang peace and order situation ngayong araw.

Tinatayang aabot sa 6,000 pulis ang ikakalat sa paligid ng Batasan Pambansa Complez simula ngayong umaga bilang bahagi ng seguridad ngayong araw ng SONA.

Read more...