Inanunsiyo ng Department of Health na epektibo na ngayong araw ng Linggo, July 23, ang Executive No. 26 o ang nationwide smoking ban.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Eric Tayag, nag-umpisa na kaninang hatinggabi ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Ang mga local government unit aniya ang naka-toka na magmonitor dito.
Sa ilalim ng EO, ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar tulad ng paaralan, ospital, clinics, elevators, recreational facilities, stairwells, food preparation areas, at mga lugar na mayroong fire hazards.
Magkakaroon naman ng lugar kung saan maaaring manigarilyo pero dapat ay mayroong proper ventilation.
Ang mga lalabag sa EO ay magmumulta ng mula sa 500 pesos hanggang 10,000 pesos, at posible din na makulong.
Pero nakasaad din sa EO na hindi sakop sa pagbabawal na manigarilyo ang vapes at e-cigarettes.