Kinilala ng San Fernando Police ang mga biktima na sina Ringgo Cañeda, 10 yrs old, Rodrigo Jr., 7 yrs old, at TJ Dizon Ybañez, 7 yrs old at mga residente ng Sitio Lakaraw sa Barangay Pitalo.
Ayon kay SPO1 Rolando Bastida ng San Fernando Police Station, humingi ng permiso si Ringgo sa kanyang nanay para magswimming kasama si Rodrigo pero hindi sinabi kung saan.
Hindi aniya inasahan ng nanay na magpupunta sa construction site ang kanyang anak sa isang bagong subdivision sa kanilang lugar.
Sinabi din ni Bastida na mayroong butas sa loob ng naturang construction site na pinag-iimbakan ng tubig ulan.
Simula pa noong Biyernes ay nakararanas na ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ng Cebu dahil sa southwest monsoon na pinalakas ng bagyong Fabian.
Ayon pa kay Bastida, gumamit na ng backhoe para makuha ang katawan ng tatlong bata na dinala na sa Carcar Provincial Hospital kung saan sila idineklarang dead on arrival.