Crisis Management Committee sa Marawi City, umapela na huwag ituloy ang binabalak na kilos protesta sa lungsod

PHOTO CREDIT: CAI PANLILIO

Umapela si Lanao del Sur Crisis Management Committee Spokesperson Zia Alonto Adiong sa mga organizer na nagpaplano na magdaos ng kilos-protesta ng mga bakwit sa Marawi City na huwag ituloy ang kanilang binabalak.

Una na kasing plinano ng mga ito na magmatrsa patungo ng Marawi kasabay ng SONA ni Pangulong Duterte bukas.

Ayon kay Adiong, lubhang mapanganib ang kanilang binabalak dahil nagpapatuloy pa ang bakbakan sa Marawi.

Muling iginiit ng Opisyal na hindi pa ligtas ang Lungsod dahil maging ang kapitolyo ng lalawigan ay tinatamaan din ng mga ligaw na bala.

Ang hakbang ng ilang mga evacuee na magdaos ng pagkilos ay kasunod nang pagpapalawig ng kongreso sa deklarasyon ng batas-militar sa rehiyon ng Mindanao.

Katwiran ni Adiong, maliban sa military solution, kailangan ng gobyerno na gumawa ng mga hakbang para resolbahin ang gulo sa Marawi at ang ugat ng radikalismo.

Aminado rin ito na ang kahirapan ang isa sa mga dahilan kung bakit umusbong ang terorismo sa Marawi.

Read more...