LPA sa Surigao, inaasahang magdudulot ng flashfloods at landslides sa Eastern Visayas

Inaasahang magdudulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Eastern Samar, Samar, Leyte, Southern Leyte, at Biliran Island ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa waether bureau, posibleng lumakas at maging ganap na bagyo ang naturang LPA sa susunod na mga araw.

Bukod dito, batay sa latest weather bulletin ng PAGASA, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang malakas na pag-ulan at thunderstorms ang Central Visayas at Caraga regions.

Samantala, apektado naman kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ng southwest monsoon o habagat.

Sa pagtaya ng PAGASA, iiral ang katamtaman na pag-ulan at thundestorms sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Visayas, Ilocos region, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao at ilang lugar sa Zambales at Bataan.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa at makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang rainshowers at thunderstorms.

Samantala, huling namataan ng PAGASA ang bagyong Fabian sa 385 kilometers west ng Sinait, Ilocos Sur, at nasa labas na ng Philippine area of Responsibility (PAR).

Pero binabantayan naman ng weather bureau ang panibagong weather system, o ang tropical storm Naru, na nasa 3,160 km east northeast ng Basco, Batanes.

Read more...