Sa kasagsagan ng joint special session ng Kongreso, isang grupo ang nanggulo sa loob ng session hall.
Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nakasalang sa pagtatanong ni ACT Teachers PL Rep. Antonio Tinio nang biglang tumayo ang mga raliyista na may mga bitbit na banners.
Ang sigaw ng mga nag-protesta, “Never again to martial law!” at “Martial Law sa Mindanao, ibasura!”
Agad naman silang pinigilan ng mga House security, at pinagkukuha ang mga banner na dala ng grupo.
Sa kabila ng protesta, nagpatuloy pa rin ang sesyon makaraang palabasin sila ng mga gwardiya.
Dinala naman ang mga raliyista sa Legislative and Security building sa loob ng Batasan Pambansa.
READ NEXT
Lt. Col. Jo Ar Herrera sa planong martsa papasok ng Marawi sa Duterte SONA: “Gamitin ang konsensya.”
MOST READ
LATEST STORIES