Umarangkada na ang joint special session ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, para sa itinutulak na pagpapalawig sa Martial Law sa Mindanao.
Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na nagpatawag ng joint special session upang mapagdebatihan ang mga panukalang martial law extension.
Pero bago ang aktwal na joint special session, nagpulong muna ang mga opisyal ng Senado at Kamara.
Pinangunahan ito nina Senate President Aquilino Pimentel Jr. at House Speaker Pantaleon Alvarez.
Alas-nuebe ng umaga nang mag-umpisa ang joint special session ng mga mambabatas sa Batasan Pambansa, sa Quezon City.
Labing apat na senador ang present, habang 242 naman ang dumalo sa hanay ng mga kongresista.
Dumating din ang mga imbitadong resource persons, gaya ng mga miyembro ng gabinete ni Duterte.
Sa sesyon, inaprubahan ng kongreso ang Resolution of Both House 10 para ipagbigay alam kay Duterte na nagconvene na ang joint special sesson.
Nagmosyon naman si Senador Franklin Drilon na amyendahan ang rule na sa halip na dalawang minuto, gawing apat na minuto ang interpelasyon, na pinagbigyan naman.
Si Albay Rep. Edcel Lagman, humirit na pag-aralan muna ang rules ng joint special session, kaya pansamantalang sinuspinde ang sesyon sa loob ng tatlong minuto para mabasa ng mga mambabatas ang rules.
Idineklara ni Duterte ang martial law sa MIndanao noong May 23, dahil sa bakbakan sa pagitan ng trop ang gobyerno at Maute terror group sa Marawi City.