Sean Spicer, nag-resign na bilang press secretary ng White House

Nagbitiw na sa pwesto si Sean Spicer bilang press secretary White House matapos magtalaga si US President Donald Trump ng bagong communications director.

Sa kabila ng pagtatalaga ni Trump kay Anthony Scaramucci bilang bagong communications director, sinabihan niya si Spicer na manatili pa ring press secretary.

Gayunman, sinabihan umano ni Spicer si Trump na isang malaking pagkakamali ang pagtatalaga niya kay Scaramucci kaya nagdesisyon na itong mag-resign na lang kaysa makatrabaho ang bagong director.

Dahil dito, inanunsyo ni Scaramucci na si principal deputy press secretary Sarah Huckabee Sanders na ang mauupo bilang bagong press secretary.

Samantala, aminado naman si Scaramucci na nakakailang din para sa kaniya ang biglaang pagbibitiw sa pwesto ni Spicer.

Matagal nang umuugong ang usap-usapan tungkol sa pag-alis ni Spicer sa White House dahil na rin sa mga kontrobersyang kinasangkutan nito, at madalas ring naiinis sa kaniya si Trump.

Pero sa kaniyang pahayag, nagpasalamat si Trump sa mga nagawa ni Spicer sa kaniyang administrasyon at na umaasa siyang maging matagumpay ito sa mga bagong oportunidad na kaniyang tatahakin.

Read more...