Ayon sa BFAR, positbo sa “red tide” ang Irong-Irong Bay sa Western Samar, Puerto Princesa Bay sa Palawan, at mga karagatang sakop ng Mandaon at Placer sa Masbate.
Dahil dito, pansamantalang ipinatitigil ang pagbenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang na galling sa mga nabanggit na lugar.
Ang pagkain ng mga naturang lamang dagat sa mga baybayin na positibo sa red tide ay maaring magdulot ng gastrointestinal at neurological illness.
Bagamat pinapayagan ng BFAR ang pagkain ng isda, squids, hipon at alimango, hinihikayat naman ng kawanihan ang mga mamimili na hugasan ang mga ito nang mabuti.
Nananatili naming negatibo mula sa red tide ang mga natitirang karagatan ng bansa kabilang ang coastal waters ng Cavite, Navotas, Bulacan, at Manila Bay.