Makakaranas ang Metro Manila ng maulap na kalangitan at mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na dala ng hanging habagat ayon sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Makakaapekto rin ang hanging habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Isang Low Pressure Area naman ang namataan sa layong 225 kilometro sa silangang bahagi ng Aparri, Cagayan ayon sa inilabas na bulletin ng PAGASA tanghali ng Biyernes.
Samantala, tinatayang ang temperatura ay maglalaro mula 24 hanggang 31 degrees Celsius.
MOST READ
LATEST STORIES