WATCH: Actual footage ng pag-rescue ng mga sundalo sa nasugatan nilang kasamahan

Inilabas sa media ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang actual video footage ng pag-rescue sa isang sundalo na nasugatan habang inililigtas ang dalawang combat engineers sa Marawi City.

Sa video, ipinakita kung paano kinuha ang sugatang sudalo habang pinapuputukan sila ng snipers ng teroristang Maute group.

Si PFC Ching Estanaco ay natamaan ng bala sa kaliwang paa habang inililigtas niya ang dalawang combat engineers.

Hindi naging madali para sa mga sundalo ang pagkuha kay Estanaco na nakahandusay na dahil sa dami ng bala mula sa mga kalaban.

Panoorin ang actual video:

Ayo kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, hindi matatawaran ang katapangan ng mga sundalo, maibalik lamang ang kapayapaan sa lunsod.

Read more...